Pagtatalaga sa bagong administrador ng PCA welcome sa Palasyo

Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang appointment ni Gonzalo Duque bilang bagong administrator ng Philippine Coconut Authority (PCA).

Sa kalatas mula kay Chief Presidential Legal Counsel and Presidential spokesperson Salvador Panelo nabatid na ang professional career ni Duque ay nakatuon sa public service.

Nagsilbi ito sa Social Security Commission (SSC) kung saan kinatawan ni Duque ang labor sector, naging vice governor din ito ng Pangasinan magmula 1987 – 1992.


Natalaga din si Duque bilang director at deputy administrator ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Maliban dito naging chancellor din si Duque sa Lyceum Northwestern University sa loob ng 17 taon at kalauna’y naging executive vice president, chairman of the board of trustees at fourth president.

Kasunod nito umaasa ang Palasyo na dahil sa credentials ni Duque ay maitataguyod nito ang kapakanan ng mga Filipino coconut farmers.

Facebook Comments