PAGTATALO NG DALAWANG TRICYCLE DRIVER, HUMANTONG SA PANANAKIT SA LOOB NG BALUNGAO PUBLIC MARKET

Nauwi sa pananakit ang mainit na pagtatalo ng isang 54 anyos na suspek at 73 anyos na biktima sa loob ng Public Market sa Brgy. Poblacion, Balungao, Pangasinan.

Ayon sa Balungao Municipal Police Station, kapwa nagtungo sa istasyon ang biktima at ang suspek upang iulat ang nangyaring alitan.

Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa dahil sa usapin ng isang pasahero.

Nag-ugat ang hidwaan sa argumento na kalaunan ay nauwi sa pag-atake ng suspek, na umano’y gumamit ng piraso ng bato upang saktan ang biktima.

Dahil dito, nagtamo ang matandang biktima ng mga sugat at pasa sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Agad siyang isinugod sa Rural Health Unit sa Brgy. Poblacion para sa medikal na atensyon.

Kasulukuyang inihahanda ng pulisya ang kasong Serious Physical Injury laban sa suspek.

Facebook Comments