Nauwi sa sakitan ang pagtatalo ng magkapatid matapos na tagain ng nakababatang kapatid ang kuya nito sa San Carlos City.
Ayon sa ulat, bandang alas otso singkwenta ng September 5, 2025 nang magkaroon ng mainit na pagtatalo ang magkapatid matapos umanong pilit na palayasin ng biktima ang suspek.
Sa gitna ng kanilang pagtatalo, dito na kumuha ang nakababatang kapatid na suspek ng itak at saka tinaga ng ilang beses ang nakatatanda nitong kapatid.
Nagtamo ng taga sa ulo at kaliwang braso ang biktima at agad na isinugod sa pagamutan.
Narekober naman ng awtoridad ang ginamit na itak sa insidente habang agad din na nadampot ang suspek at ngayon ay nasa ilalim na ng kustodiya ng San Carlos City Police Station. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









