Manila, Philippines – Napikon na rin si Senadora Cynthia Villar sa ginagawang pagtatambak ng basura ng ilang bansa dito sa Pilipinas.
Ayon kay Villar, chairman ng Senate Committee on Environment and Natural Resources paiimbestigahan niya ang pagtatambak ng basura sa bansa na nakalagay sa ilang containers.
Reaksyon ito ni Villar matapos matuklasan na may panibagong basura na nakalagay sa ilang containers galing naman sa Australia.
Kaya at iginiit ni Villar na nilabag ng Australia ang naturang kasunduan.
Kamakailan, pinutol ng Pilipinas ang relasyong diplomatiko nito sa Canada saka pinauwi ang embahador at lahat ng consul-general ng bansa.
Ipinagbawal din ng Palasyo sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na magpunta sa Canada at makipag-usap sa kanilang opisyal nang walang pahintulot ng Palasyo.