Pagtatanggal ng mga signages sa mga ipinasarang lotto outlet, iniutos na

Agad na nagpalabas ng direktiba si PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa mga PNP Regional Directors na alisin na ang mga signages sa mga ipinasarang lotto outlet ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, ngayong araw lahat ng signages na “closed sign” na ikinabit sa mga lotto outlets ay aalisin na ng mga pulis para makapag-operate na.

Ito ay kasunod ng bagong utos ng Pangulo na ibalik ang operasyon ng lotto.


Pero suspendido pa rin ang operasyon ng small town lottery o STL, Peryahan ng Bayan (PNB), keno at iba pang illegal numbers game ng PCSO.

Ipinahinto ito ng Pangulo nitong Sabado dahil sa talamak umanong korapsyon.

Facebook Comments