Kasado na ang pagsasagawa ng clean-up drive ng Commission on Elections o COMELEC sa nakadikit na mga malalaking campaign posters, bilang bahagi ng paghahanda sa darating na halalan.
Pinaalalahanan ang mga aspiring candidates ukol sa pagtalima sa mga ibinabang kautusan kaugnay sa paglalagay ng mga campaign posters sa mga designated areas lamang.
Hinimok din ng ahensya ang mga kandidato na hanggat maaari ay magbigay ng kooperasyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng bawat isa ngayong Halalan 2025 o maiwasan ang anumang election-related incident o violence.
Samantala, nauna nang ipinahayag ng COMELEC Region 1 na maaari pang mabago ang kinalalagyang area category ng mga bayan at lungsod sa Rehiyon depende sa magiging tensyon ng mga kumakandidato. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨