Inirekomenda ng Philippine National Police (PNP) sa Commission on Elections (Comelec) hindi bigyan ng police security ang lahat ng mga pulitikong kasama sa narco-list ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay PNP Chief, Police General Oscar Albayalde – pinababawi na niya ang lahat ng police security escorts ng narcopoliticians, maging ang mga nasa watchlist ng pulisya.
Iginiit ni Albayalde na maaaring i-revoke anumang oras ang security dahil isa lamang itong pribilehiyo ng mga pulitiko.
Hindi naman sigurado si Albayalde sa eksaktong bilang ng mga pulitikong nasa drug watchlist ng DILG na humihiling ng police security.
Bago ito, sinabi ng DILG na nasa 46 narcopoliticians ang tumatakbo sa nalalapit na halalan.
Sa ngayon, sinabi ni Comelec Chairperson Sheriff Abas na patuloy ang kanilang assessment sa request ng PNP.