Pagtatanggol Ng Administrasyong Aquino Kay Dotc Secretary Jun Abaya, Kinwestyon Ni Senador Alan Peter Cayetano

7

MANILA – Kinwestyon ni Vice Presidential Candidate at Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano ang administrasyong Aquino sa kabiguan nito na sibakin sa pwesto si DOTC Secretary Jun Abaya.Ito ay matapos ang power outage sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 na nagdulot ng matinding perwisyo sa libu-libong pasahero noong linggo.Sa halip na kastiguhin, binigyan lang ng instruction ni Pangulong Noynoy Aquino si Abaya at mga airport authorities sa siguruhing huwag nang maulit ang insidente.Binanatan ni Cayetano ang tila pagiging espesyal ni Abaya at walang magawa ang administrasyon para maalis ito sa pwesto.Nanawagan ang senador kay Abaya na maawa sa mga ordinaryong kawani ng DOTC na tapat at masipag na nagtatrabaho pero nadadamay dahil sa kapalpakan kanilang mga opisyal.Aniya, kung may natitira pang dignidad at delicadeza si Sec. Abaya ay aalis na ito sa pwesto na kanyang inabuso.

Facebook Comments