Ikapitong pagdinig ngayon ng Senate Blue Ribbon Committee sa umano’y pagbili ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) ng “overpriced” na medical supplies sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Sa kaniyang opening statement ay kinuwestyon ni Committee Chairman Senator Richard Gordon ang pagtatanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sangkot sa kontrobersiya gamit pa ang oras para mag-ulat ito sa bayan hinggil sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Gordon, sa halip na banatan ang Commission on Audit (COA) at Senado ay dapat suportahan ng pangulo ang mga pagdinig para lumabas ang katotohanan kung may iregular sa paggamit ng pera ng bayan.
Diin ni Gordon, hindi akma para sa isang pangulo ang inaasal ni Pangulong Duterte at ang paraan ng pamumuno nito ay hindi karapat-dapat para sa mamamayang Pilipino.