PAGTATANGHAL NG MGA LOKAL SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION, TAMPOK SA CHRISTMAS LIGHTING CEREMONY

Nagtipon ang mga residente para sa taunang Christmas Lighting Ceremony na nagbukas ng pagdiriwang ng Kapaskuhan sa San Fernando City, La Union.

Bago ang pagpapailaw, nagkaroon ng palaro at pagtatanghal mula sa mga lokal na talento tulad ng mga musikero, banda at mananayaw. Itinuturing din na highlight ang kwento ng Pamilyang Gurtiza bilang pagkilala sa kanilang volunteer work sa kanilang mga kababayan sa gitna ng mga nagdaang kalamidad.

Nagbigay-saya ang performance ni Gab Lagman bago simulan ang highlight ng gabi, ang sabayang pag-iilaw ng Christmas Tree at fireworks display.

Ngayong taon, pinamagatang “Liwanag ng Pagkakaisa,” ang awit ng San Fernando na sabay-sabay na inawit ng mga residente kasabay ng pagliwanag ng buong parke.

Kinagiliwan agad ng mga Fernando at Fernanda ang dekorasyon ngayong taon, na hudyat ng sinserong pagdiriwang ng pasko, tampok ang mga kwento ng katatagan at pagbangon sa kabila ng mga pinagdaanang unos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments