*Cauayan City, Isabela- *Naghahanda na ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa isasagawang tree planting sa araw ng Biyernes, December, 20, 2019.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Environment and Natural Resources Officer (ENRO) Geronimo Cabaccan Jr, tuloy na sa Biyernes ang pagtatanim ng isang milyong punong kahoy sa loob lamang ng isang (1) araw partikular sa Sitio Lagis Sindon Bayabo, City of Ilagan, Isabela.
Ipinagpaliban ang dati nitong iskedyul na December 6, 2019 dahil sa nangyaring malawakang pagbaha sa Lalawigan.
Nilinaw ni Ginoong Cabaccan Jr. na ang gagawing aktibidad ay mangyayari sa buong probinsya ng Isabela kung saan ang bawat barangay ay kinakailangang makapagtanim ng 100 punla sa kanilang nasasakupan.
Kayang-kaya aniya na maabot ang target ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela kung lahat ng mga barangay ay makikiisa sa naturang aktibidad.
Sa mga volunteers ay maaari aniya na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang mabigyan ng itatanim na punong kahoy.
Sa ngayon ay wala pang paabiso ang ating Gobernador kung magdedeklara ng Special Non-working Holiday sa Biyernes.