Direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Coconut Authority (PCA), na magkaroon ng concrete development at rehabilitation plan para sa industriya ng magniniyog gaya ng pagtatanim ng 100 milyong puno ng niyog sa susunod na limang taon.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, ang utos ay ginawa ng pangulo matapos na pulungin kahapon saMalacañang ang mga opisyales ng PCA.
Tinalakay aniya sa pagpupulong ang planong Coconut Planting at Replanting Project, na layuning muling pasiglahin ang coconut industry.
Ayon kay Garafil, sinabi ng pangulo na isang malaking oportunidad sa bansa ang planong ito para sa industriya ng magniniyog, kailangan lang ay tiyaking tama at maliwanag ang mga plano.
Sinabi pa ni Garafil, na ayon sa pangulo ang planong ito ay hindi lang sa panahon ng kanyang termino maari itong ipagpatuloy kahit wala na siya sa posisyon.
Kaugnay nito pinaiisyu naman ng pangulo ang PCA ng isang Memorandum Circular na naguutos sa mga concerned national government agencies at mga lokal na pamahalaan na suportahan ang proyektong coconut planting and replanting.