Pagtatanim ng halaman, isa sa aktibidad ni PBBM sa kanyang kaarawan ngayong araw

Naka-schedule ngayong umaga ang pagtatanim ng halaman ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa San Mateo MMDA Landfill, Barangay Pintong Bocaue, San Mateo, Rizal.

Batay sa anunsyo ng Malakanyang, alas-8:00 ngayong umaga inaasahan ang pagdating ng pangulo sa San Mateo, Rizal para pangunahan ang National Simultaneous Bamboo and Tree Planting Kick Off ceremony.

Bukod sa pangulo dadalo rin sa aktibidad si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., na magbibigay nang kanyang welcome remarks habang ang mag i-introduce naman sa pangulo para sa pagbibigay nito ng mensahe sa aktibidad ay si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ma. Antonio Yulo-Loyzaga.


Samantala, tumanggi namang magbigay nang detalye kahapon si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kaugnay sa ika 65 taong selebrasyon ng kaarawan ng pangulo.

Sinabi ng kalihim i-aanunsyo naman nila agad kung mayroong mga aktibidad pa ang pangulo ngayong araw para sa kanyang birthday celebration.

Facebook Comments