PAGTATANIM NG MAIS GAMIT ANG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA, IBINAHAGI SA MGA MAGSASAKA SA BAYAN NG VILLASIS

Nagsagawa ng 50-ektaryang Corn Model Farm field day ang Department of Agriculture Regional Field Office 1 kasama ang local government unit ng Villasis at Bayer CropScience sa Barangay Barangobong bayan ng Villasis.
Humigit-kumulang isang daan o higit pang mga magsasaka mula sa Villasis at mga kalapit na bayan ang dumalo sa aktibidad na naglalayong ipakita ang produksyon ng mais gamit ang kasanayan ng mga magsasaka sa site-specific nutrient management (SSNM) na partikular sa lugar.
Batay sa mga resulta ng crop cut activity na ipinakita, ang SSNM ay gumawa ng ani na 8.7 metric tons habang 7.25 metric tons ang ginawa mula sa farmers’ practice.

Tinatayang presyo ng pagbili ng mais ay nasa 21/kg ng tuyong mais.
Bukod sa mga resulta na ikinatuwa ng mga magsasaka ng Villasinian, nangako si Municipal Mayor Nonato Abrenica na bibili ng basang mais sa presyong hindi bababa sa P15.50 depende sa kalidad ng mais bilang paraan ng pagpapaabot ng tulong sa mga magsasaka.
Kasunod nito nagpahayag ng pasasalamat ang ilang farmer-cooperators sa Agriculture Department sa pagsasagawa ng aktibidad sa kanilang lugar.
Nagpasalamat din sila sa DA para sa mga interbensyon na kanilang natatanggap mula sa gobyerno sa pamamagitan ng ahensya. |ifmnews
Facebook Comments