Pagtatanim ng mga coconut palms sa Manila Baywalk, tuloy-tuloy na isinasagawa ng DENR

Tuloy-tuloy ang ginagawa ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pagtatanim ng “matured coconut palms” sa kahabaan ng Baywalk sa Roxas Boulevard, bilang bahagi ng pagsisikap na maibalik ang dating ganda ng Manila Bay.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, nasa 60 matured coconut palms ang itatanim sa kahabaan ng baybayin bilang bahagi ng beach nourishment project ng ahensiya na layuning maibalik ang “tropical aura” ng Manila Bay.

Aniya, may mga lumang larawan ang Manila Bay na makikita ang coconut palms na nakahilera sa kahabaan ng Roxas Boulevard.


Sabi pa ni Cimatu, ang pagpapanatili sa proyektong ito ay babantayan ng DENR-National Capital Region (NCR) sa pakikipagtulungan ng Parks Development Office ng Manila.

Facebook Comments