Pagtatanim ng mga gulay at prutas, sagot sa masamang epekto ng climate change

Isinusulong ng Climate Change Commission na ibalik ng mga Pilipino ang pagtatanim ng mga gulay at prutas sa kanilang bakuran.

Sa harap na rin ito ng banta ng climate change kabilang ang malalakas na bagyo at iba pang kalamidad.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Commissioner Albert Dela Cruz ng Climate Change Commission na hindi nila hinihikayat ang ornamental plants at sa halip ay isinusulong ang edible planting.


Nanawagan naman si Dela Cruz sa Local Government Units (LGU) na magpasa na ng ordinansa para sa Local Climate Change Action Plan.

Importante aniyang magkaroon ng climate change action plan ang mga lokal na pamahalaan upang mayroong aksyon sa bawat komunidad sa pangangalaga sa kapaligiran.

Binigyang diin ng opisyal na kailangan ng whole of society at whole of nation approach sa pagtugon sa problema ng climate change dahil nakasalalay rin dito ang kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

Facebook Comments