Pagtatanim ng puno sa mga public school, isusulong

Manila, Philippines – Makikipagtulungan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Education (DepEd) sa pagsusulong pagtatanim ng puno sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ito ay tatawaging School In a Garden Project o SIGA.

Ayon kay DENR Undersecretary for Policy, Planning and International Affairs Jonas Leona – layunin nito na turuan ang mga bata ang kahalagahan ng puno at kagubatan.


Makatutulong din ang proyekto na maging mapagmahal sa kalikasan ang mga kabataan.

Sinabi naman ni DepEd Undersecretary Alain Pascua – mga makukulay na puno ang itatanim sa mga school campus at mga kalapit na lugar, gaya ng banaba at fire trees.

Itatanim din sa paligid ng mga eskwelahan ang mga tinatawag na ‘heritage trees’.

Lalagda aniya sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang DepEd at DENR hinggil dito.

Facebook Comments