Pagtatapon ng basura, dapat nang bawasan

Nanawagan ang Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) na bawasan ang nalilikhang basura ngayong holiday season.

Ayon kay Environment Sec. Roy Cimatu, maraming volume ng basura ang naitatala sa bansa tuwing pasko at bagong taon lalo na sa Metro Manila.

Aniya, ang Waste Generation Baseline Target para sa 2019 ay lumampas na nitong Hunyo.


Sa Metro Manila pa lamang, umaabot na sa 66,000 Cubic Meters ng basura ang nahakot sa unang anim na buwan ng taon, higit ito sa whole-year target na 58,112 Cubic Meters.

Iginiit ni Cimatu na kailangan gawin ng mga Pilipino na magtapyas sa mga kinokonsumo at itinatapon.

Mahalagang bumalik sa mga ‘basics’ upang makatulong sa kapaligiran.

Inirekomenda ng DENR ang paggamit ng Eco-Friendly Materials para sa wrapping paper at gift bags, na gawa sa Kawayan, Rattan, Abaca at Dahon ng buri.

Pinayuhan din ang publiko na gumamit ng washable dinnerware at cutlery sa halip na paper plates at cups, at plastic spoons at forks.

Facebook Comments