Pagtatapon ng kahon-kahong cocaine sa dagat, hindi itinuturing na diversionary tactics

Manila, Philippines – Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na masyadong magastos upang maging diversionary tactics ng mga drug cartel ang pagtatapon ng kahon-kahong cocaine sa karagatan para mailusot ang ilegal na droga sa bansa.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – maituturing na unintentional ang pagkakadiskubre ng mga cocaine.

Aniya, posibleng aksidente lamang ito nahulog sa dagat at kukunin ito ng mga maliliit na barko para ipadala sa ibang bansa.


Dagdag pa ni Albayalde – ilang buwan ng palutang-lutang sa dagat ang cocaine bricks bago ito inanod sa baybayin ng Pilipinas.

Paniniwala pa ng PNP chief na hindi masyado tinatangkilik sa bansa ang cocaine lalo at mas mahal ito kumpara sa shabu.

Sa ngayon, higit 90 cocaine bricks na ang narekober sa Mindanao at katimugang bahagi ng Luzon.

Facebook Comments