Iniimbestigahan na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nakumpiskang na tone-toneladang radioactive materials sa Zambales.
Nabatid na naaresto ang dalawang Chinese at pitong Pilipinong crew na responsable sa pagtatapon ng mapanganib na kemikal.
Lumabas sa imbestigasyon na ang barge ay nakabase sa bansang Liberia subalit ang mga kemikal ay nagmula sa South Korea.
Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda – isinasailalim ang toxic materials sa laboratory test mula sa kagawaran at Philippine Nuclear Research Institute (PNRI).
Kapag nag-negatibo sa banta ng panganib ay maglalatag ng regulated system ang DENR para hindi na maulit ang insidente.
Nakikipagtulungan na ang South Korea hinggil dito.
Inaalam na ng DENR kung sino ang importer at ang consignee ng toxic waste.