Pagtatapos ng Eid’l Fitr, ipinagdiriwang ng Muslim community ngayong araw

Ipinagdiriwang ngayong araw ng mga Muslim ang Eid’l Fitr.

Ito ay isang kapistahang na humuhudyat ng katapusan ng Ramadan, isang banal na buwan ng pag-aayuno.

Idineklara ang pagtatapos ng Ramadan sa pamamagitan ng pagtanaw sa buwan na hugis suklay o new moon.


Nabatid na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na regular holiday ang araw na ito.

Nagpaalala naman ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer tungkol sa umiiral na holiday pay rules ngayong araw.

Facebook Comments