Naguilian Isabela- Matagumpay na idinaos ang Graduation Ceremony ng mahigit isang daang Tokhang Responders na ginanap sa bulwagan ng Brgy. Quezon, Naguilian kahapon, Marso 5, 2018.
Ang naturang okasyon ay dinaluhan naman nina Mayor Juan Caputchino, Vice Mayor Bernardo dela Peña, Municipal Health Officer Dra. Maricar Caputchino, Pastor Arnel Marcaida ng Seventh Day Adventist at Police sa pangunguna ni COP Francisco Dayag ng PNP Naguilian.
Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay COP Francisco Dayag, nagagalak umano sila na makitang malaki na ang naging pagbabago ng mga tokhang responders mula sa kanilang dating maling gawain.
Aniya, ito ay dahil umano sa kanilang puspusang pagkakaisa at pagtutulungan ng buong PNP Naguilian ang naging daan upang maging matagumpay ang Community Based Rehabilitation Program para sa mga tokhang respondent.
Umaasa ngayon ang PNP Naguilian na tuluyan ng magiging Drug Cleared municipality ang Naguilian at umaasa ring lahat ng natutunan ng mga responders sa programa ay kanilang gagawin at gagamitin sa kanilang pamumuhay .