Saturday, January 17, 2026

Pagtatapos ng malalaking Transportation Infrastructure Projects pabibilisin ng DOTr

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na pabibilisin nila ang pagtatayo at pagkumpleto ng malalaking proyekto sa transportasyon.

Kabilang na rito ang paglutas sa mga isyu tulad ng right-of-way at mga priority project kabilang na ang railways, aviation, maritime, at road sectors.

Kasama sa mga proyektong pinabibilis na makumpleto ng Department of Transportation (DOTr) ang North-South Commuter Railway, Metro Manila Subway Project, MRT-7, at ang rehabilitasyon ng MRT-3.

Samantala, target din ng DOTr na tapusin ngayong taon ang mga bagong road section sa SLEX, CALAX, Cavite–CALAX Link Expressway (CCLink), C-5, at Skyway Stage 3.

Matatandaang, sinimulan na ng DOTr ang modernisasyon ng EDSA Busway, habang itinatayo rin ang Cebu Bus Rapid Transit at ang Davao Public Transport Modernization Project.

Isinasagawa rin ng ahensya ang modernisasyon ng mga paliparan at mga daungan sa bansa.

Facebook Comments