Pagtatapos ng mga pangunahing railway projects, dapat na tutukan ng administrasyon sa natitirang 3 taon

Pinatututukan ni Senato JV Ejercito sa administrasyong Marcos ang konstruksyon at pagtatapos ng mga pangunahing railway projects sa bansa.

Ayon kay Ejercito, ang railway projects ay susi para maresolba ang problema sa matinding trapik sa mga kalsada at ito ay makakapagkonekta at maghahatid din ng pag-unlad sa mga rehiyon sa bansa.

Giit ng senador, batid niya na may mga hamon sa kontruksyon ng nabanggit na mga proyekto tulad isyu sa right of way at pondo pero natutuwa siya dahil sa nagpapatuloy ang implementasyon ng mga ito.

Sinabi ng senador na batid niyang may mga hamon sa pagtatayo ng nabanggit na proyekto dahil sa mga isyu ng right of way at pondo.

Gayunman, ikinalulugod niyang nagpapatuloy pa rin ang implementasyon ng programa at ang mahalaga ay pareho ng direksyon ang ehekutibo at lehislatura sa pagtugon sa mga problema tulad ng kakulangan sa imprastraktura, mass transport system, jeepney modernization, at iba pang mga proyekto.

Facebook Comments