Manila, Philippines – Nagbigay na ang Commission on Higher Education ng go signal para sa pagtataas ng tuition at iba pang school fees sa 268 private Higher Education Institutions (HEIS) para sa academic year 2017-2018.
Ang nasabing bilang ng mga paaralan na pinayagang magtaas ng tuition fees at iba pang mga bayarin ay 16 percent mula sa 1,652 kabuuang bilang ng mga private HEIS sa Pilipinas.
Ipapatupad ang tuition hike sa 262 na HEIS, habang 237 institutions lamang ang magtataas ng iba pang mga bayarin sa paaralan.
Ayon sa CHED, ang average tuition hike ay 6.96 percent o P86.68 per unit.
Ang increase naman sa iba pang bayarin sa paaralan ay magiging 6.9 percent o P243.
Sinabi pa ng CHED na inaprubahan nila ang aplikasyon para sa tuition hike batay sa education act of 1982 (section 42 ng batas pambansa blg. 232) na pumapayag sa mga private schools na magtakda ng kanilang rate sa tuition at iba pang school fees.
DZXL558