Pagtatatag ng Department of Disaster Resilience, lusot na sa plenaryo ng Kamara

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na layong magtatag ng Department of Disaster Resilience (DDR).

Sa botong 241 Yes, 7 No at 1 Abstention ay pinagtibay ang House Bill 5989 o ang Disaster Resilience Act na siyang isa sa priority measures ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa oras na maging ganap na batas, ang DDR ang magsisilbing national agency na siyang mangunguna sa disaster preparedness, rehabilitation, rescue, response, recovery at reconstruction tuwing may kalamidad.


Mapapasailalim ng DDR ang Office of Civil Defense (OCD), Climate Change Commission Office, Health Emergency Management Bureau ng Department of Health (DOH), at Disaster Response Assistance and the Disaster Response Management Bureau ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Itatatag din sa ilalim ng panukala ang iba pang sangay ng ahensya tulad ng National Disaster Operations Center (NDOC), Alternative Command Center (ACC) at Disaster Resilience Research and Training Institute (DRRTI).

Binibigyan din ng kapangyarihan ang Pangulo na magpataw ng administrative sanctions laban sa mga local chief executives at mga barangay officials na hindi magpapatupad ng tama sa batas.

Facebook Comments