Pagtatatag ng Department of OFWs, suportado ng isang Obispo

Naghayag ng suporta si Balanga Bishop Ruperto Santos, pinuno ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines o CBCP,  hinggil sa balak ng administrasyong Duterte na lumikha ng Department of OFWs.

Panahon na ayon sa obispo ang pagtatatag ng OFW Department lalo na at maraming suliranin at pangangailangan ang mga Overseas Filipino Workers na kailangang  tugunan na dito ay maaaring bilang isang “One Stop Shop” ang Departamento.

Paliwanag ni Bishop Santos sa pamamagitan aniya nito ay maiiwasan na ang pagpapalit-lipat pa ng lugar ang mga OFW para sa pag-aayos ng kanilang mga papeles, at maiiwasan na ang pakikipagtransaksyon sa kung sinu-sinong tao.


Hindi na rin aniya  mapapagod ang mga OFW at  mapruprotektahan pa laban sa mga sindikato, fixers at iba pang modus.

Kamakailan ay inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbabawal na ang pagri-recruit ng mga OFW ng mga recruitment agency at desidido siyang malikha ang Department of OFW bago matapos ang 2019.

Facebook Comments