Pagtatatag ng Department of Overseas Filipino, nananating prayoridad ng administrasyon – Nograles

Mananatiling top priority ng Duterte Administration ang pagtatatag ng Department of Overseas Filipino (DOFIL).

Sa ilalim ng bagong kagawaran, layunin nitong matugunan ang mga concerns ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, mahalaga ang DOFIL dahil pag-iisahin nito ang functions at mandates ng iba’t ibang tanggapan at kawanihang may kinalaman sa welfare ng overseas Filipinos.


Nilinaw rin ni Nograles ang dalawang isyung ipinupukol sa pagtatatag ng DOFIL; ito ay ang specific model para sa panukalang ahensya at operational set-up ng Philippine Overseas Labor Offices (POLOs), Social Welfare Attaches, at Assistance to Nationals Unit (ATN Unit).

Facebook Comments