Pagtatatag ng fuel reserve, pinamamadali na ng isang mambabatas

Manila, Philippines – Nanawagan si 1-PACMAN Partylist Rep. Michael Romero na aprubahan ang House Resolution 1936 o ang pagtatatag ng fuel reserve sa bansa.

Ang apela ng mambabatas ay kasunod na rin ng pahayag ni Pangulong Duterte na kulang ang bansa sa fuel reserves.

Naniniwala si Romero na malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng fuel reserve sa bansa lalo na kapag tumataas ang presyo ng langis at mga produktong petrolyo sa world market.


Giit ng kongresista, ngayong bumababa ang presyo ng langis sa world market ay mainam na simulan na ang pagtatatag ng fuel reserve.

Para masimulan ang fuel reserve, maaaring obligahin ng Department of Energy ang mga kumpanya ng langis na dagdagan ng 30 araw ang kanilang mandatory fuel buffer.

Hiniling din ng kongresista na ilibre sa excise tax at VAT ang stocks ng fuel reserve.

Facebook Comments