Pagtatatag ng IPC, inumpisahan nang talakayin sa Senado; ICI members, dumalo sa pagdinig

Sinimulan na ng Senate Committee on Justice and Human Rights ang pagdinig tungkol sa pagtatatag ng Independent People’s Commission (IPC) upang maging permanente na ang komisyon na nag-iimbestiga sa mga maanomalyang proyekto sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Humarap sa pagdinig sina Independent Commission for Infrastructure (ICI) Chairperson retired Justice Andres Reyes Jr., ICI member dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson, dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno at dating Senate President Franklin Drilon.

Nanawagan si Drilon kay Pangulong Bongbong Marcos na sertipikahan bilang urgent ang Senate Bill 1215 para sa agarang pag-apruba ng panukala at pagsasabatas nito.

Giit ni Drilon, hindi na maitatanggi ang galit ng mga tao sa napakalawak na korapsyong natuklasan sa mga infrastructure projects sa iba’t ibang ahensiya partikular na ang mga maanomalyang flood control projects ng DPWH.

Sa 34 taon niya sa public service ay ngayon lamang siya nakakita ng napakatinding katiwalian sa pamahalaan.

Sang-ayon din si Puno sa mabilis at walang delay na pagpapasa ng panukala.

Batid naman ni Andres ang napakatinding korapsyon na natuklasan ng ICI at nangako ito sa mga senador na habang wala pa ang IPC ay sisikapin nila sa komisyon na makapagsagawa ng full-blast investigation sa lahat ng katiwalian sa mga proyekto ng pamahalaan.

Facebook Comments