Pagtatatag ng Judicial Marshal Service, magpapalakas sa mga korte sa bansa

Pinaniniwalaan ng ilang kongresista na mas mapapalakas ang independence ng mga korte sa bansa kapag naging ganap na batas na ang Judicial Marshal Service.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ang lagda rito ng pangulo matapos na ratipikahan ito ng Kongreso bago mag-election break.

Sa ilalim ng bagong itatatag na marshal service, inaaasahan itong mag-o-operate bilang independent, professional at organized security force na nasa ilalim ng pangangasiwa at kontrol ng Korte Suprema.


Layon ng serbisyo na protektahan ang justices, judges, court officials at staff gayundin ang mapigilan ang lahat ng banta laban sa kanila.

Ayon kay House Strategic Intelligence Committee Chairman Johnny Pimentel, makakatulong ang nasabing armed protection sa 2,766 justices at judges para malayang magawa ang kanilang mga tungkulin ng walang takot o pangamba na sila’y mabalikan o gantihan ng mga taong sangkot sa isang kasong kanilang hinahawakan.

Mula 1999, aabot sa 34 na hukom ang pinaslang at marami sa mga ito ang nananatili pa ring “cold-case” hanggang sa ngayon.

Facebook Comments