Iminungkahi ng isang mambabatas sa La Union ang pagtatatag ng lupon o development body na tututok sa progreso ng Poro Point- San Fernando City Sea Port and Airport.
Tinukoy sa naging sesyon ang agarang pangangailangan ng progreso sa naturang daungan.
Suhestiyon na pamumunuan ng Gobernador ang naturang bubuuin na development body, habang nakatakda pang tukuyin ang itatalagang Vice Chair sa mga susunod na committee meeting.
Layunin umano nito na makipag-ugnayan ang gobernador sa mga pambansang ahensya, Bases Conversion and Development Authority at iba pa para sa pag-unlad ng pasilidad, base na rin umano sa naging patnubay ni PBBM sa kanyang huling pagbisita sa lalawigan.
Kaugnay nito, nais pang malaman at mapakinabangan ang pangkalahatang kakayahan o potensyal ng Poro Point- San Fernando City dahil sa nakaangat nitong lokasyon upang maging Sea Port and Airport sa Hilagang Luzon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










