Pagtatatag ng mas marami pang kooperatiba, pangontra sa unemployment at underemployment

Hinikayat ni Appropriations Committee at Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy Co ang economic agencies na paramihin pa ang mga kooperatiba sa bansa.

Tinukoy ni Co na batay sa tala ng Cooperative Development Authority (CDA) noong taong 2020 ay nakalikha ang mga kooperatiba ng 364,700 na trabaho.

Ayon kay Co, kung mas marami pang kooperatiba ang maitatatag lalo na sa mga probinsya ay tiyak na mas marami pang trabaho ang malilikha.


Ipinaliwanag ng kongresista na ang bawat kooperatiba kasi ay negosyo kaya nag-eempleyo ng mga tao at nakakapagdagdag ng economic activity sa lugar.

Inihalimbawa ni Co ang workers cooperative ng mga nananahi ng damit o garments sector na nakakapagbigay ng trabaho at nakakapag-demand pa ng mas matinong presyo sa tuwing nakikipag-transaksyon sila sa mga nangangailangan ng kanilang produkto.

Facebook Comments