
Manila, Philippines – Iminungkahi ni Deputy Minority Leader Harlin Neil Abayon III ang pagbuo ng National Land Transportation Safety Board o NLTSB.
Giit ni Abayon, hindi naman nagagampanan ng epektibo ng LTFRB at LTO ang kanilang mga tungkulin.
Aniya, batay sa 2017 MMDA data nasa 300 aksidente sa daan sa kada araw ang naitatala.
Bukod sa kahinaan ng LTFRB pagdating sa pagresolba sa mga road crashes, napakatagal din ng LTO sa pag-iisyu ng driver’s license at motor vehicles plates.
Sa ilalim ng NLTSB, ito ang mangunguna sa road safety regulation sa lahat ng land motor vehicles kasama na dito ang PUVs.
Ang NLTSB na rin ang may kapangyarihan para sa pag-regulate sa roadworthiness ng lahat ng motor vehicles, pagkansela o pagsuspinde ng driver’s license, magsasagawa ng imbestigasyon sa mga road accidents at reresolba sa mga administrative cases dulot ng mga aksidente sa lansangan.









