Pagtatatag ng nursing homes sa mga lalawigan, aprubado na sa komite ng Kamara

Lusot na sa House Special Committee on Senior Citizens ang panukalang batas na nagsusulong na magtatag ng “nursing homes” para sa mga senior citizens.

Sa inaprubahang “consolidated bill” para sa pagbuo ng nursing homes o elderly cares sa mga lalawigan, layunin ng panukala na matulungan ang mga nakatatanda at isulong ang kanilang kapakanan.

Ayon kay House Deputy Speaker Deogracias Savellano, nakita ng mga mambabatas na mayroong mga senior citizen na nagso-solo na sa buhay o wala nang kasamang kaanak, nakatira sa barong-barong, problemado sa pagkain at iba pang pangangailangan.


Kapag naging ganap na batas, ang nursing homes ay itatayo sa bawat probinsya upang doon na madala at maalagaan ang mga “homeless,” inabandona o nag-iisang senior citizens, gayundin ang mga nakatatanda na ang mga pamilya ay wala nang pinansyal na kakayahan.

Ang nursing homes ay pangangasiwaan at kailangang i-maintain ng mga lokal na pamahalaan sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Facebook Comments