
Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na magtatatag ng Philippine Geriatric Center (PGC).
Sa botohan, 23 senador ang bumoto pabor sa panukala, walang tumutol at walang nag-abstain.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 1509, itatatag ang PGC bilang isang specialized hospital na tututok sa mga pangangailangang medikal at pangkalusugan ng mga senior citizen.
Ayon kay Senate Committee on Health Chairperson Risa Hontiveros, layunin ng panukala na tugunan ang patuloy na pagtaas ng pangangailangan sa serbisyong pangkalusugan ng mga matatandang Pilipino.
Bukod sa pagbibigay ng abot-kaya at de-kalidad na serbisyong medikal sa mga nakatatanda, isinusulong din ng panukala ang integrated at nationwide geriatric health services katuwang ang Department of Health (DOH),
mga lokal na pamahalaan, at iba pang sektor.
Kabilang sa mandato ng PGC ang pagbibigay ng technical guidance at pagtatakda ng mga pamantayan sa geriatric care, pagsuporta sa pagtatayo ng mga senior citizens’ ward sa mga pampublikong ospital, at pagbibigay ng edukasyon at pagsasanay sa mga healthcare professional, social worker, at community volunteers.










