Pagtatatag ng virology research institute sa bansa, isinusulong sa Kamara

Inihain ni Ways and Means Committee Chairman at Albay Rep. Joey Salceda ang House Bill 6793 o pagtatatag ng virology research institute sa bansa.

Ayon kay Salceda, napapanahon na magkaroon ng Virology Institute of the Philippines (VIP) upang mapag-aralan ang detection at limitasyon sa pagkalat ng virus gayundin ang makalikha ng bakuna bilang long-term protection at gamot.

Makakatulong ang pagtatatag ng virology research institute sakaling magkaroon muli ng pandemic sa hinaharap.


Ang VIP ay magsisilbing premier research at development institute sa field of virology na sakop lahat ng uri ng virus at viral diseases na matatagpuan sa mga tao, halaman at mga hayop.

Bukod sa magiging venue ito sa research ng mga siyentista, dito man o sa abroad, makikipag-ugnayan din ang VIP sa international organizations para sa pagsasagawa ng innovative at pioneer research na mag-a-advance sa virology research ng Pilipinas.

Ang VIP ay mapapasailalim naman sa Department of Science and Technology (DOST).

Facebook Comments