Pagtatayo nang mas maraming cold storage facilities, nakikitang solusyon ni PBBM para hindi masayang ang mga nahuhuli ng mga mangingisda

Magtatayo ang pamahalaan nang mas maraming cold storage facilities para hindi masayang ang mga nahuhuling isda ng mga mangingisda.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa isinagawang sectoral meeting kaninang umaga sa Malacañang kasama ang mga opisyal mula sa Department of Agriculture (DA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Laguna Lake Development Authority, Department of the Interior and Local Government (DILG) at Cooperative Development Authority kung saan tinalakay ang fisheries program ng bansa.

Ayon sa pangulo, maraming nasasayang na isda dahil sa kakulungan ng cold storage facilities.


Kaya ang solusyon ay maglagay ng mga cold storage facilities sa mga bagsakan ng isda para ma-preserve at hindi kailangang itapon dahil luma na.

Dahil dito, mababawasan ang lugi ng mga mga negosyante at tataas ang supply ng isda sa bansa.

Ayon sa pangulo, plano ng gobyerno na magtayo ng 11 iba pang cold storage facilities sa mga syudad sa General Santos at Cagayan de Oro.

Batay sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nasa 25 percent hanggang 40 percent ang nasasayang na isda dahil sa kakulangan ng post-harvest equipment katulad ng blast freezer at ice making machines.

Punto pa ng pangulo kung mapapababa ang porsyento ng nasasayang na isda ng hanggang sa 8 percent hanggang 10 percent ay hindi na kailangan pang mag-import ng Pilipinas ng isda mula sa ibang bansa.

Facebook Comments