Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasaayos sa 110 mga evacuation centers sa iba’t-ibang lugar sa bansa na magsisibing health facilities ng mga pasyente maaaring may COVID-19.
Ayon sa DPWH, kayang i-accommodate sa naturang health facilities ang 4,620 na mga pasyente.
Ang bawat pasyente ay may labindalawang metro kwadradong lugar sa nasabing evacuation centers na matatagpuan sa Luzon, Visayas at Mindanao; at naaayon ito sa safety measures ng Department of Health (DOH).
Tiniyak naman ni Public Works Secretary Mark Villar na ang nasabing centers ay ang mga naitayo sa mga ligtas na lugar at malayo sa fault lines at naaayon sa specification ng National Building Code of the Philippines.
Facebook Comments