Pagtatayo ng 13 Lighthouses sa Dulong Hilagang Bahagi ng Pilipinas, Ininspeksyon

12

Cauayan City, Isabela-Nagsagawa ng site survey at inspeksyon ang Coast Guard District North Eastern Luzon katuwang ang Coast Guard Maritime Safety Service Command (MSSC), Coast Guard Infrastructure and Development Service (CGIDS), at Coast Guard Real Estate Management Office (CGREMO) para sa napipintong pagtatayo ng 13 lighthouses sa dulong hilagang bahagi ng Pilipinas.

Ilan naman sa mga lokasyon na pagtatayuan ng proyekto ang mga isla ng Mavulis, Duquey, Babuyan, Panuitan, Calayan, at Irao pero hindi pa tiyak ang mga nasabing lokasyon.


Bahagi ng proyekto na matiyak na mas mapapaigting pa ang kaligtasan ng mga karagatan at seguridad ng yamang tubig na pagmamay-ari ng Pilipinas.

Sinimulan pa ang inspeksyon noong Abril 25 ngayong taon.

Facebook Comments