Pagtatayo ng assistance desks na walang accreditation ng Comelec, bawal – PPCRV

 

 

Ipinaalala ng Parish Pastoral Council For Responsible Voting (PPCRV) ang publiko na ang pagtatayo ng assistance desks sa voting centers na walang accreditation ng Commission On Elections o Comelec, ay bawal.

 

Ayon kay PPCRV Director Arwin Serrano, ang pagse-set up ng mga kubol o lamesa ay bawal.

 

Aniya, ang PPCRV lamang ang may accreditation mula sa Comelec na magtayo ng voters’ assistance desks sa voting centers.


 

Dagdag pa ni Serrano, maging ang mga Non-Government Organizations (NGO) na kinikilala ng lokal na pamahalaan ay hindi awtorisadong magtayo ng help desks.

 

Paalala pa ng PPCRV, ang pagpapamigay ng campaign leaflets, maging sample ballots ay bawal sa araw ng halalan.

#RMNbantaybalota2019

Facebook Comments