Pagtatayo ng bagong consulate office sa Nagoya, Japan, may pondo na

Photo Courtesy: PCOO

Naglaan ang gobyerno ng Pilipinas ng pondo para sa planong pagtatayo ng panibagong consulate office sa Nagoya, Japan.

Ayon kay Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V, inaasahan nilang masisimulan ang pagpapatayo ng panibagong consulate building sa Nagoya sa susunod na taon.

Aniya, layon nitong matulungan ang inaasahang pagdami pa ng mga Pilipinong magtatrabaho sa Japan.


Sabi ni Laurel, nangangailangan kasi ang Japan ng dagdag na mangagagawa dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng kanilang populasyon.

Nabatid na ang Nagoya ay itinuturing na manufacturing center sa Japan.

Facebook Comments