Pagtatayo ng Balabac Military Runway sa Palawan, makukumpleto na ayon kay PBBM; EDCA site, palalakasin ang pambansang seguridad sa WPS!

Nasa 90% o huling bahagi na ang pagtatayo ng Balabac Military Runway sa Palawan na nasa isla ng Balabac sa Palawan.

Ang Balabac Military Runway ay isa sa tinukoy na siyam na EDCA sites na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., malaki ang papel na gagampanan ng EDCA site sa pambansang seguridad sa West Philippine Sea.


Ang Balabac Military Runway ay magkakaroon ng hanggang tatlong kilometro, na magagamit sa mga aktibidad ng mga sundalong Pilipino at Amerikano.

Makakatulong din itong palakasin pa ang presensya ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo, lalo’t nagiging mas agresibo ang China.

Mahigpit din ang foreign policy ng pamahalaan na hindi magiging kalaban ng Pilipinas ang anumang bansa.

Facebook Comments