Pagtatayo ng Batasan Hills Station ng MRT – 7, sinimulan na!

Quezon City -Sinimulan na ang konstruksyon ng istasyon ng MRT-7 sa Batasan Hills sa lungsod ng Quezon.

Kahapon, pinangunahan nina MMDA Chairman Danilo Lim at Transportation Assistant Secretary Leah Quiambao ang pagbubuhos sa pundasyon ng Batasan Hills Station.

Isa lamang ito sa labing-apat na istasyon ng MRT-7 mula Quezon City hanggang Bulacan.


Humingi naman ng paumnahin at pasensya ang mga DOTr sa mga motoristang maaapektuhan ng proyekto.

Nakikipag-usap na rin ang DOTr sa MMDA para sa magiging lagay ng trapiko sa lugar lalo’t sasabay sa holiday season ang kontruksyon ng MRT-7.

Target itong matapos sa unang quarter ng 2020.

Facebook Comments