Pagtatayo ng BuCor ng pader sa gitna ng kalsada sa Muntinlupa, walang koordinasyon sa lokal na pamahalaan ayon sa Alkalde ng lungsod

Walang naging koordinasyon ang Bureau of Corrections (BuCor) sa lokal na pamahalaan ng Muntinlupa sa ginawa nitong pagtatayo ng pader papasok sa isang subdivision ng lungsod.

Ayon kay Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, bukod sa hindi nakipag-ugnayan sa kanila ang BuCor ay hindi rin sapat ang ibinigay na impormasyon nito sa mga residenteng nakatira sa Southville 3.

Nabatid na sa ipinadalang notice ng BuCor sa barangay ay walang binanggit na permanente na ang ilalagay nilang harang dahilan upang hindi makadaan ang mga residente patungong Barangay Poblacion.


Malaking abala rin aniya ang itinayong pader na gawa sa hollowblocks dahil mapipilitang umikot pa ang mga dadaan.

Ayon pa sa Alkalde, maaaring malagay pa sa alanganin ang buhay ng mga residente lalo na’t tumataas ang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments