Pinatitiyak ni Senator Alan Peter Cayetano na ibase sa mabusising pag-aaral ang pagtatayo ng Bulacan Ecozone upang hindi maulit ang pag-veto rito ng pangulo.
Ayon kay Cayetano, masyadong malaki para sa isang proyekto at sa isang panukala na ito ay madaliin at hindi rin gugustuhin na muling ma-veto ang panukala.
Sinabi ni Senator Grace Poe, sponsor ng panukalang Bulacan Ecozone na hindi pa nakapagbibigay ang National Economic and Development Authority (NEDA) ng komprehensibong pag-aaral sa economic zone hanggang ngayon at itinuturing itong balakid sa pagusad ng bill.
Iginiit ni Cayetano ang kahalagahan ng pag-aaral kabilang ang cost-benefit analysis upang matiyak na ang proyekto ay kapaki-pakinabang para sa bansa, lalo na’t ang proposed economic zone ay malapit sa Clark Freeport at Special Economic Zone (CFEZ).
Nais pa ni Cayetano na matiyak na ang pondo ng publiko ay pakikinabangan ng lalawigang nakakasakop sa Ecozone at mga mamamayan gayundin ang masiguro na makapagaambag ito sa ekonomiya ng bansa.