Pagtatayo ng China ng rescue center sa disputed areas sa WPS, tanggap ng Malacañang

Manila, Philippines – Hindi minasama ng Palasyo ng Malacañang ang pagtatayo ng China ng isang maritime rescue center sa pinagaagawang isla sa West Philippine Sea.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kung totoo man ang balitang ito ay nagpapasalamat sila dahil mabuti ito para sa lahat ng mga bansang dumadaan ang mga barko sa lugar.

Paliwanag ni Panelo, mayroon nang matatakbuhan ang mga barko o iba pang mga sasakyang pandagat kabilang na ang mga mangingisda na nangangailangan ng tulong sa rehiyon.


Pero sinabi din naman ni Panelo na dapat ay ipinagpaalam ng China sa Pilipinas ang pagtatayo ng kanilang maritime rescue center.

Ipinaubaya narin naman ni Panelo kay Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin ang issue dahil ito naman aniya ang may sakop sa mga ganitong usapin.

Facebook Comments