Pagtatayo ng China ng rescue center sa Kagitingan Reef, dapat i-protesta

Manila, Philippines – Hinikayat ngayon ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pamahalaan na i-protesta ng Pilipinas ang pagtatayo ng China ng mga istraktura sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang reaksyon ni Lorenzana kasunod ng ginawang pagtatayo ng China ng Maritime Rescue Center sa Kagitingan Reef na nasa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ayon kay Lorenzana, hindi dapat hayaan ng pamahalaan ang pagtatayo ng China ng Maritime Rescue Center sa mga pinag-aagawang teritoryo dahil posibleng maging permanente na ang mga ito at kanila nang angkinin.


Kasabay nito, hindi naman masabi ni Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo kung humingi ng permiso sa Pilipinas ang China sa pagtatayo ng nasabing rescue center.

Ayon kay Panelo, patuloy aniyang kino-kompirma ito sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Facebook Comments