PAGTATAYO NG COLD STORAGE FACILITIES, TARGET NG DA R02

CAUAYAN CITY – Pagtatayo ng karagdagang cold storage facility ang pangunahing pinagtutuunan ngayon ng pansin ng Department of Agriculture Region 02.

Layunin ng ahensya na matugunan ang problema ng mga lokal na magsasaka sa kanilang mga aning produkto na madalas ay nasisira at hindi napapakinabangan.

Gayundin upang masolusyunan ang problema ng oversupply sa iba’t ibang lugar sa Lambak ng Cagayan.


Sinabi ni Regional Technical Director Roberto Busania, na ngayong linggo nakatakdang magsagawa ng ground breaking ng bagong cold storage facility sa bayan ng Ramon.

Aniya, bago pa man ito ay mayroon ng pasilidad na itinayo sa Aritao, Nueva Vizcaya na kayang mag-imbak ng nasa 10,000 sako ng sibuyas habang ang cold storage naman na itinayo sa Dupax Del Sur ay kayang kargahan ng 20,000 sako ng anumang produkto.

Umaasa naman si Busina na sa pamamagitan ng mga ganitong proyekto ay matutulungan na ang mga magsasaka na nakakaranas ng matinding pagkalugi tuwing panahon ng anihan dahil walang maayos na imbakan ng kanilang mga produkto.

Facebook Comments