Pagtatayo ng dagdag na mga silid aralan at sapat na ventilation sa mga eskwelahan, iginiit ng isang kongresista sa gitna ng matinding init ngayon

Hiniling ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro sa pamahalaan partikular sa Department of Education o DepEd ang pagtatayo ng mas maraming silid-aralan at sapat na ventilation sa mga eskuwelahan.

Iginiit ito ni Castro sa gitna ng matindig init na nararanasan ngayon na matinding hamon at naghahatid ng pagdurusa sa mga estudyante at guro dahil nakakaapekot ito sa kanilang kalusugan at academic performance.

Sabi ni Castro, kailangang maglaan ng sapat na pondo para sa konstruksyon ng mga classrooms at pagpapahusay sa ventilation systems ng mga paaralan sa buong bansa.


Tinukoy ni Castro ang rekomendasyon ng United Nations na ang pondo para sa edukasyon ay dapat katumbas ng 6% ng Gross Domestic Product ng isang bansa.

Kasabay nito ay iminungkahi rin ni Castro sa DepEd na magsagawa ng regular na pag-inspekson at maintenance sa mga pasilidad sa mga eskwelahan para matiyak ang conducive learning environment.

Facebook Comments